Lunes, Setyembre 19, 2016





BAKIT kailangan pang pag-aralan ang 
IBONG ADARNA?







Nalaman ninyong ang Ibong Adarna ay panitikang lumaganap sa panahon ng mga Kastila. Imaginin ninyo, napakatagal na, siguro mga halos 400 na taon na.

Saka, gaya ng napansin ko, halos ang karamihan ay walang ideya tungkol sa koridong ito. Mas prefer pa ninyong basahin ang mga panitikan sa ibang bansa kaysa sa sariling atin. Ok lang yun. tanggap na yun, pero sana, gaya ng mga isinulat ninyo, ay may magawa upang magpatuloy ang pagbabasa ng sarili nating panitkan.

Dalhin natin sa kasalukuyang panahon natin ang ilang  tauhan mula sa unang bahagi ng korido.


1. Sino kaya si Haring Fernando sa ating kasalukuyang Panahon? Bakit?

2. at, sa iyong sariling opinyon, bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang Ibong Adarna? 


Mag-comment na!


:)


Sanggunian ng mga larawan:
clipartpanda.com
pinterest.com


Sabado, Setyembre 17, 2016




IBONG ADARNA
Obra Maestrang Pilipino

Magandang Araw Grade 7 ng Assumption Antipolo!

Para mas lalong maging interaktibo ang ating pag-aaral ng Ibong Adarna ay susubukan kong gamitin ang blog na ito.

Narito ang mga maaaring makita sa blog na ito:

1. Mga tanong tungkol sa tinalakay na aralin at kung may pagkakataon ay talakayin sa pamamagitan ng blog na ito.

2. Mga dagdag na kaalaman tungkol sa aralin

3. Videos na ginamit ko sa loob ng klasrum, kung sakaling nais n'yo itong muling panoorin

4. Mga larawan patungkol sa tinalakay na aralin

5. Mga AS kung sakaling nawala (na laging rason ng estudyante hehehe) ninyo ito

at marami pang iba!



SALAMAT at sana'y mas maging masaya pa ang ating pag-aaral ng Filipino!


Ginoong JB Ocampo